Bagong kinatawan ng ika-pitong distrito ng Cavite, ipoproklama na ngayong araw ayon sa Comelec

Ipoproklama na ang bagong kinatawan ng ika-pitong distrito ng Cavite.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, papangalanan na ang nanalo sa isinagawang special elections ngayong umaga.

Ang mananalo ay papalit sa iniwang puwesto ni Boying Remulla na itinalaga bilang Justice Secretary.


Kabilang sa kandidato ay sina Crispin Diego Diaz Remulla, Jose Angelito Domingo Aguinaldo, Melencio Loyola de Sagun Jr., at Michael Angelo Bautista Santos.

Papangasiwaan ng bagong kinatawan ang mga bayan ng Amadeo, Indang, Tanza at ang lungsod ng Trece Martires

Samantala, kinumpirma ni Garcia na naging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng halalan kahapon kung saan 50 hanggang 53 percent ng 355,184 registered voters ang lumahok.

Facebook Comments