
Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong konsepto ng administrasyon sa paglaban kontra ilegal na droga.
Ayon kay Pangulong Marcos, tinagurian itong “bloodless drug war” na hindi gumagamit ng dahas laban sa mga gumagamit ng droga, kundi tinutulungang makabangon ang tao dahil mas gusto aniyang sirain ng pamahalaan ang droga at hindi ang buhay ng tao.
Giit ng pangulo, nakatuon ang drug war ng administrasyon sa prevention, rehabilitation, at mahigpit na law enforcement laban sa malalaki at maliliit na sindikato.
Kaugnay nito, tiniyak ng pangulo na magpapatuloy bloodless drug war para magpatuloy din ang nasimulan nang magandang epekto ng polisiya laban sa ilegal na droga.
Maganda na aniya ang direksyon ng drug war ng pamahalaan lalo’t nasa higit ₱60 bilyong halaga ng droga ang nasabat sa loob ng lamang ng tatlong taon.









