Bagong Kumander ng 95IB, Pormal nang Umupo

16

Cauayan City, Isabela- Pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion si LTC Carlos Sangdaan INF (GSC) PA.

Itinalaga bilang Acting Commanding Officer ng 95IB si LTC Sangdaan, isang tubong Tabuk City, Kalinga at miyembro ng PMA CL 1999.


Bago ang kanyang pag-upo bilang bagong Kumander ng nasabing yunit, siya ay naging Executive Officer ng 501st Infantry Brigade na nakabase sa probinsiya ng Cagayan.

Sa kanyang pag-upo, pinasalamatan ni LTC Sangdaan si MGen Laurence E. Mina, Commanding General ng 5ID gayundin ang lahat ng mga Senior Officer ng 5th ID dahil sa malaking tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Nangako ang bagong pinuno na susuklian niya ng mahusay na trabaho at pagseserbisyo ang tiwalang ibinigay sa kanya ng pamunuan ng 5ID.

Ayon naman sa pinuno ng 5ID, itinalaga niya bilang bagong pinuno ng 95IB si LTC Sangdaan dahil malaki ang tiwala nito sa kanya na magagampanan nito ng mahusay ang kanyang tungkulin.



Sa huli, pinayuhan ni MGen Mina ang Salaknib Troopers na panatilihin ang integridad at disiplina upang manatili ang tiwala at suporta ng mamamayan sa kasundaluhan.

Facebook Comments