Bagong larawan ng Dantes family, trending!

Instagram/ Marian Rivera

Bininyagan na sa Christian world ang ikalawang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV nitong weekend.

Ibinahagi ni Marian sa Instagram ang mga larawan na kuha sa baptism ng kaniyang pangalawang anak kasabay ng family photos.

Ani ni Marian, “Welcome to the Christian World mahal ko. Te quiero mucho Mi Hijo! ❤️ #SalamatAmaSaBiyayaAtPagpapala 🙏🏻” na ginanap ang baptism sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati.


Nagkomento rito ang ilang kapwa artista tulad nila Chynna Ortalez- Cipriano, John Arcilla at kilalang designer na si Rajo Laurel.

Kinagiliwan ng mga netizen ang mga bagong larawan ni Ziggy at sinabing gwapo ang bata.

“So adorable! Such a beautiful family ❤️” ani Kelly Misa.

Si Ziggy Dantes ay ipinanganak siya noong Abril 16, 2019. Nagpakasal sila Marian Rivera at Dingdong Dantes noong Disyembre 30, 2014. Ang kanilang unang anak na si Maria Letizia “Zia” Dantes ay ipinanganak noong Nobyembre 23, 2015.

Facebook Comments