Bagong laya, patay matapos na manlaban sa buy bust operation sa Lugait Misamis Oriental

Patay ang isang bagong laya matapos itong manlaban sa sinagawang buy bust operation ng kapulisan ng Lugait Municipal Police Station, kagabi.

Ang suspect ay nakilala sa pangalan na si Sherwin Ladra, 31 taong gulang at taga Purok 1, Lugait Misamis Oriental.

Ayon kay Police Capt. Cris Cadelina, ang Deputy Chief of Pulis ng Lugait Municipal Police Station, na bandang alas 7:10 kagabi ng sinagawa nito ang isang joint buy bust operation, laban sa suspect sa Purok 7 Brgy. Liga, Lugait Misamis Oriental.


Napag-alaman na nagka abutan na ng item ang suspect at pulis na nagging pusher buyer ng biglang bumunot ng baril ang suspect at nagpaputo laban sa mga pulis.

Swerteng hindi pumutok ang Cal. 38 na baril nito, kung kayat gumanti ng putok ang mga pulis, na ikinamatay ng suspect.

Nagtamo ng apat na tama sa dibdib ang suspect, na dineklarang dead on arrival sa Manticao Provincial Hospital.

Na-recover mula sa suspect ang apat na sachet ng ipinagbabawal na gamut, na nagkakahalaga ng 20 libong piso, kabilang na ang 500 pesos na buy bust money ng otoridad.

Ayon kay Capt. Cris Cadelina, na bagong laya ang suspect, dahil sa kasong motornapping sa Alubijid Misamis Oriental, samantala, may kaso itong robbery sa Lugait Municipal Police Station.

Facebook Comments