Bagong laya, pinasok sa loob ng bahay at pinagbabaril

558

QUEZON CITY – Dead on the spot ang isang lalaking kalalabas lamang ng selda matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jesus Fernandez na dalawang buwan palang nakakalaya dahil sa kaso ng iligal na droga.


Ayon sa pulisya, nanonood ng telebisyon si Fernandez kasama ang asawang si Belinda nang biglang pasukin ng tatlong lalaking nakasuot ng bonnet.

Makailang beses daw nilang pinaulanan ng bala ang dating preso hanggang sa tuluyang bumulagta.

Nagpapaputok ulit ang mga salarin habang tumatakas, dahilan para madamay ang isang 18-anyos na binata na nadaplisan sa binti.

Patuloy ang pagtugis sa mga suspek at inaalam ng awtoridad kung may kinalaman ang dating kaso ni Fernandez sa naturang krimen.

 

Facebook Comments