Bagong “Legacy Wall” ng Senado ngayong 19th Congress, binuksan na

Ipinakita na ng Senado ang bago nitong “Legacy Wall” para sa mga senador ng 19th Congress.

Ang pagbubukas ng Legacy Wall ay isinabay sa paggunita ng ika-106 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Senado.

Sa Legacy Wall na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Senado ay makikita ang malalaking larawan ng 24 na senador.


Sa maikling programa ay sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maaaring “premature” pa ang katagang “legacy” dahil sa bago pa lamang ang 19th Congress.

Pero tulad aniya ng mga kataga noon ni dating Senator Edgardo Angara, ang mga batas na kanilang magagawa ang maituturing na “best legacy” ng taumbayan.

Magandang panimula rin aniya ito dahil kasabay ng naging event ang pagsasabatas ni Pangulong Bongbong Marcos sa SIM Registration Act, ang unang batas na nagawa ng 19th Congress.

Maliban sa mga kasalukuyang senador ay dumalo rin sa seremonya sina dating Senators Franklin Drilon at Kit Tatad.

Facebook Comments