Bagong libreng online courses tungkol sa pera at scam prevention, inilunsad ng TESDA

Inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga bagong financial literacy courses sa kanilang TESDA Online Program (TOP).

Ito’y para matulungan ang mga Pilipino na mas maintindihan ang tamang paghawak ng pera, pamumuhunan, at pag-iwas sa panlilinlang o scam.

Ayon kay TESDA Secretary Kiko Benitez, ang mga bagong kurso ay malaking tulong sa mga Pilipino para makamit ang mas matatag na kinabukasan pagdating sa pera.

Ngayon ay may kabuuang 195 libreng kurso na sa TESDA Online Program, kabilang ang mga kurso sa ICT, negosyo, agrikultura, turismo, kalusugan, at marami pang iba.

Kasama sa mga bagong kurso ang Basics of Investing, Fraud and Scam Prevention, Financial Consumer Protection, Digital Financial Literacy, Personal Equity and Retirement Account (PERA), at Paano Nakakaapekto ang Bangko Sentral sa Ekonomiya at Ating Pera.

Facebook Comments