Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commissioner Sheriff Abas bilang bagong chairman ng Commission On Elections.
Base sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong November 2, papalitan ni Abas si Chairman Andres Bautista na nagbitiw sa kanyang pwesto.
Tatagal ang termino ni Abas bilang COMELEC chair hanggang February 2, 2022.
Si Abas ay pamangkin ni Moro Islamic Liberation Front Chief Negotiator Mohagher Iqbal.
Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Duterte bilang chairman ng Energy Regulatory Commission si dating Solicitor General Agnes Devanadera.
Papalitan ni Devanadera si dating ERC Chairman Jose Vicente Salazar at ang termino nito ay hanggang sa July 10, 2022.
Si Salazar ay sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte noong nakaraang buwan matapos mapatunayang guilty sa simple and grave misconduct hinggil sa alegasyon ng korapsyon.