Ramdam na ng bagong liderato ng Department of Agriculture (DA) ang bunga ng mga inisyatibo na sinimulan ni Pangulong Bongbong Marcos para palakasin ang produksyon ng palay.
Dalawang linggo matapos ipasa ang pwesto ng DA Secretary kay Francisco Tiu Laurel Jr., inanunsyo ng kagawaran na naging magandang taon din ng pag-ani ang 2023 para sa mga magsasaka.
Bunga ito ng direktiba ni Pangulong Marcos sa DA para sa libreng binhi, pataba, tulong pinansyal at teknikal na suporta sa mga magsasaka.
Itinaas din ni Pangulong Marcos ang farmgate price ng palay sa mga magsasaka at pinabili ito sa National Food Authority sa mataas na presyo.
Muling tiniyak ni Laurel na magpapatuloy ang pro-farmer policies ng pangulo at hindi pro-importation.
Ito’y sa pamamagitan ng pagpapalakas sa local production at tulungan ang mga ordinaryong magsasaka sa modernisasyon at unti-unting pagtanggal ng mga middleman.