
Nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong liderato ng Philippine Air Force sa ilalim ng pamumuno ni Lt. General Arthur Cordura.
Bilin ng pangulo kay Cordura, sa loob ng dalawang taon na pamumuno ni Lieutenant General Stephen Parreño ay marami ang nagawa at misyon na naisakatuparan ng Air Force pero walang dahilan para magpakampante.
Importanteng magabayan aniya ni Cordura ang Air Force at gawing mas credible, mas agile, at mas responsible ang hanay nito.
Kaugnay nito, kinilala ni Pangulong Marcos ang mga napagtagumpayan ng PAF sa ilalim ng pamumuno ni Lt. General Stephen Pareño.
Ilan sa mga ito ang mahigit dalawang libong flying hours para sa external defense at 450 maritime patrol missions.
Gayundin ang mga bilateral at multilateral exercise tulad ng Cope Thunder at Balikatan at ang partisipasyon ng Pilipinas sa Pitch Black Exercise sa Australia.