Bagong listahan ng mga hindi pa sumusukong PDLs, isinumite na ng DOJ sa DILG

Manila, Philippines – Inilabas ang ng DOJ ang inisyal na listahan ng Bureau of Corrections (BuCor) na naglalaman ng mga pangalan ng Person Deprived of Liberty o PDLs na dapat muling arestuhin ng PNP.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, 19 ang pangalang nakasama sa initial list at nasa kamay na ito ngayon ng DILG.

Bunga nito, maari na aniyang maipagpatuloy ng  tracker teams ng PNP ang pagtugis sa mga hindi sumukong inmates partikular ang mga sangkot sa karumal-dumal na krimen.


Sinabi ni Secretary Guevarra na maglalabas pa sila ng karagdagang pangalan ng PDLs kada linggo kapag natapos na ang review sa bawat carpeta o case records ng inmates.

Facebook Comments