Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglabas ng bagong Listahanan na ginagamit ng pamahalaan para sa pamamahagi ng ayuda bago matapos ang 2024.
Ang Listahanan ay isang information management system na tumutukoy kung sino ang pinakamahihirap na pamilya bansa, at pinagbabasehan ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang DSWD at Philippine Statistics Authority (PSA), na magsagawa ng panibagong census para i-update sa lalong madaling panahon ang Listahanan.
Dahil dito, gagamit sila ngayon Community Based Monitoring System (CBMS) upang maisaayos ang updated na sistema at tracking ng listahan at mabilis itong matapos.
Taong 2019 pa kasi aniya ang listahan ginagamit ng ahensya para sa 4ps at iba pang ayuda kaya marami pang hindi kasama sa listahan.
Tiniyak naman ni PSA Usec. Dennis Mapa na sa oras na makuha na nila ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) ay agad nilang sisimulan ang census.