BAGONG LOVE TEAM? | Xian Lim at Nadine Lustre, magtatambal sa pelikula

Manila, Philippines – “Positive vibes lang”

Ito ang pakiusap ng aktor na si Xian Lim kasunod ng pagtatambal nila ni Nadine Lustre para sa pelikulang ‘Ulan’.

Una nang sinabi ni Nadine na okay lang sa kanya ang paghihiwalay nila ni James Reid para patunayang kaya niya kahit hindi kasama ang boyfriend sa isang proyekto.


Gayunman, may ilang fans ng JaDine at KimXi loveteam ang nambash sa bagong tambalan.

Paliwanag ni Xian, karangalan para sa kanila na makatrabaho ang ibang artista at gusto lang din nila na bigyan ang publiko ng isang great film kaya sana raw ay suportahan sila ng kanilang mga fans sa bago nilang pelikula.

Facebook Comments