Manila, Philippines – Pinaghahanda na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa Visayas at Mindanao sa inaasahang epekto ng bagong Low Pressure Area na nasa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, sakaling maging bagyo, tatahakin ng LPA ang mga lugar na una nang sinalanta ng Bagyong Urduja.
Aniya, posible itong magdulot ito ng muling pagguho ng lupa at pagbaha.
Pinayuhan naman ni Marasigan ang mga publiko na kung maaari na ngayon na bumiyahe habang maganda pa ang lagay ng panahon.
Facebook Comments