Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi gagamitin para sa mass immunization ang bagong malaria vaccines na walang “definitive clinical trials.”
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – hindi basta-basta ginagamit ang mga bakunang ipinakilala pa lamang sa merkado.
Aniya, dapat may resulta at tiyak na clinical trial studies.
Dagdag pa ng kalihim – kailangang mag-ingat ang ahensya sa paggamit ng mga bagong makuna para sa mass immunization.
Matatandaan noong April 2016, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya ang nag-apruba sa paggamit ng world’s first dengue vaccine at naglunsad ng mass immunization drive sa Central Luzon, Region 4-A at Metro Manila.
Facebook Comments