Para matugunan ang problema ng mga street ambulants, plano ngayon ng Marikina City Government na magtayo ng Bagong Sibol Market o maliit na Talipapa upang matugunan ang problema ng mga street vendors at ambulants sa Lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, tinatayang 11 milyong piso ang pondo ng naturang Talipapa na kayang umukupa ng 60 hanggang 100 kapasidad na vendors na itatayo sa Barangay Nangka II Bagong Sibol Public Market, Marikina City.
Bukod sa Talipapa, plano ring magtayo sa Barangay Malanday dahil sa matataong lugar upang lahat ng mga ambulants vendor ay doon na magtitinda.
Giit ni Teodoro, halos wala nang mga vendor ang nagkalat sa mga kalye dahil mahigpit na ipinatutupad ng Marikina City Government ang 3 strikes policy dahil ikinokonsidera nila ang kabuhayan ng mga mahihirap at pinapaliwanagan nila na bawal magtinda sa mga kalsada at sumunod naman ang lahat ng mga vendor.