Manila, Philippines – Nangako ang mga Maute ISIS leaders sa mga bagong recruits nang tig 30 libong pisong sweldo kada buwan ito ay kung nagwagi sila sa giyera sa Marawi City.
Ang impormasyong ito ay ibinunyag mismo ni AFP chief of staff Gen Eduardo Ano, matapos masorpresa sa malaking bilang ng mga Maute terrorists sa Marawi.
Sa datos ng AFP umaabot sa halos isang libong terrorista ang napatay ng mga sundalo sa limang buwang bakbakan sa Lungsod bago nagtagumpay ang tropa ng pamahalaan.
Sinabi ni General Año, 250 Lang ang orihinal na bilang ng maute terrorists na pumasok sa Marawi, at karamihan sa mga nakasagupa ng militar sa siyudad ay mga bagong recruits.
Ang mga bagong recruit ay inalok ng 15-libong piso kada buwan, kasabay ng pangako na dodoble ito sa 30-libo piso kung nagtagumpay sila sa Marawi.
Ayon kay Año, ang pondo ay manggagaling sa bilyong pisong sinasabing nasamsam ng mga terroista sa pag-ransak nila sa mga banko at commercial establishments sa lungsod sa unang mga araw ng bakbakan.
Naniniwala naman si Año na sa ngayon burado na sa mundo ang Maute terror group matapos mapatay ang kanilang mga lider