Ozamiz City – Uupo na ngayong araw ang bagong Mayor at bise-mayor ng Ozamiz City.
Ito ang inihayag ni Police Regional Office o PRO Ten Spokesperson Lemuel Gonda.
Ayon kay Gonda, uupo bilang mayor ng siyudad ang unang kagawad ng Ozamis City na si Konsehal Gerlit Suansing, ang asawa ni Konsehal Ardot Parojinog matapos mapatay sa operasyon si Mayor Reynaldo Parojinog.
Ang ikatlong konsehal na si Konsehal Michael Tagas ang siyang magiging Bise Mayor kapalit sa naarestong si Vice Mayor Nova Parojinog-Echaves dahil wala ang ikalawang konsehal.
Samantala, inilabas na kahapon ng PRO 10 ang pangalan ng 15 namatay sa operasyon ng kapulisan na sina Mayor Reynaldo Parojinog Sr; asawang si Susan Parojinog; Board member Octavio Parojinog Jr.; Mona Parojinog; L Millanar; Alyas ‘’Eteng’’ na security ng pamilyang Parojinog; Alyas Lando; Edwin Teves Rusiana; Corlito Ayaay; Miguel dela Victoria; Nestor Cabalan; Daniel Vasquez,; Jennirey Gumapon Manon; Eldred Requiron at Ryan Reguera.