BAGONG MEDICAL CENTER SA ASINGAN, PRAYORIDAD ANG KALUSUGAN NG MGA SENIOR CITIZEN

Sisimulan na ang konstruksyon ng bagong medical center sa Asingan, Pangasinan, na layong magbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga senior citizen.

Ang proyekto ay donasyon mula sa isang pribadong grupo, katuwang ang lokal na pamahalaan, at itatayo sa lupang pagmamay-ari ng munisipyo.

Magiging 150-square meter na bungalow-type facility na may doktor, laboratoryo, at mga pangunahing kagamitang medikal, kung saan sagot ng donor ang mga kagamitan at gamot na kakailanganin sa operasyon ng pasilidad.

Ayon sa lokal na pamahalaan, makatutulong ito sa mga nakatatanda na walang kakayahang magpagamot sa malalayong ospital.

Target na matapos ang proyekto sa kalagitnaan ng susunod na taon at mababasbasan sa Abril 2026. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments