Bagong mga coach na may international experience, panawagan ng isang kongresista para sa Gilas Pilipinas

Nagpahayag ng pasasalamat at pagpupugay si Manila 3rd District Representative Joel Chua para sa buong koponan ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Gayunpaman, iginiit ni Chua na mabigyan ang Gilas Pilipinas ng bagong mga coach na mayroong international experience para makamit ang layunin na magkaroon tayo ng tsansa at magtagumpay sa malalaking international competition tulad ng olympics.

Para kay Chua, isang mapait na katotohanan na kailangan nating tanggapin na wala pa ang Gilas sa kalibre ng mga umabante sa Round 2 ng FIBA World Cup.


Diin ni Chua, hindi dapat isantabi ang puna ng mga Pinoy fans sa nakikita nilang mga sablay na desisyon at kapos na performance ng Gilas Pilipinas na maaari sanang nagawan ng solusyon.

Giit ni Chua, may karapatang pumuna at magbigay ng suhestyo ang mga Pinoy basketball fans dahil sa buwis nila kinukuha ang subsidiya ng gobyerno na ipinagkakaloob sa ating national team.

Facebook Comments