Inaasahang mas aayos at mas magiging ligtas na ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Calasiao – Junction Road sa bayan ng Calasiao matapos ang isinagawang Turnover Ceremony ng Traffic Signal Lights.
Pormal na kasing iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa bayan ng Calasiao ang pamamahala sa mga bagong gawang traffic lights.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang LGU Calasiao sa tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan na makatutulong sa siste sa mga kakalsadahan partikular sa Calasiao Junction.
Inaaasahan ding mapapakinabangan na ito ng mga motorista upang maibsan ang nararanasang bigat ng daloy ng trapiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







