BAGONG MIYEMBRO | Philippine Navy, nangangailangan ng halos 1,000 bagong sundalo bago matapos ang taon

Manila, Philippines – Siyam na raang (900) mga bagong sundalo ang kailangan ng Philippine Navy bago matapos ang 2018.

Ayon kay Philippine Navy Spokesman Commander Jonathan Zata – nasa P35,000 kada buwan ang makukuha ng mga trainee para sa mga nais maging sailor o marine habang P18,000 naman para sa enlisted personnel.

Para sa mga nais maging sailors o marine, dapat ay graduate ng apat o limang kurso sa kolehiyo.


Sa mga nais naman na maging enlisted personnel, dapat ay k-12 o TESDA graduate o may 72 unit sa kolehiyo.

Bukas ang aplikasyon para sa mga babae at lalaki na may edad 18 hanggang 29, may taas na limang talampakan o higit pa, hindi kasal at walang sinusuportahang bata.

Ang mga interesado ay maaaring mag-aplay sa website ng Philippine Navy sa recruitment.navy.mil.ph

Facebook Comments