Bagong MMDA chairman, nagtalaga ng 3 traffic officials bilang paghahanda sa new normal

Nagtalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng traffic officials bilang paghahanda sa pagdagsa ng malaking volume ng mga sasakyan.

Kaugnay ito ng umiiral na Alert Level 1 sa Metro Manila patungo sa new normal.

Kabilang sa mga posisyon na inilagay ni bagong MMDA Chairman Romando Artes ang New Task Force Special Operations (TFSO) and Anti-Colorum Unit, EDSA Special Traffic and Transport Zone at ang Northern Traffic Enforcement District.


Tututukan ng mga pinuno sa naturang mga posisyon ang mga kalsada sa Metro Manila partikular ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Dadagdagan din ng MMDA ang kasalukuyang 500 traffic enforcers sa EDSA.

Facebook Comments