Bagong modus ng mga scammer, ibinunyag ng PNP

Ibinunyag ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na may bagong modus ang mga scammer gamit ang mga hindi rehistradong SIM card.

Ayon kay PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Sydney Sultan Hernia, bumibili ang mga scammer ng mga hindi rehistradong SIM cards.

Ang mga SIM card na ito ay walang outgoing call and text habang hindi rehistrado pero pwedeng tumanggap ng call at text.


Ginagamit aniya ito ng mga scammer sa pagkuha ng mga one time PIN para sa pagbubukas ng accounts tulad ng WhatsApp, Telegram, at Viber.

Ito aniyang mga account na ito ang ginagamit ng mga scammer sa pagpapadala ng spam messages, links, at iba pang scam sa mga biktima.

Sa pamamagitan aniya ng ganitong over the top messaging ay nalulusutan ng mga scammer ang mga telecom companies, at nagagawa pa rin nila na manatiling anonymous sa kabila ng SIM Registration Law.

Facebook Comments