Ikakampanya sa Kongreso ng bagong tatag na CORE Movement ang pagsama sa probisyong dapat amyendahan sa 1987 Constitution ang tuluyang pagbabawal sa political dynasties at mahigpit na panuntunan para magkaroon ng mga political parties na tunay na kumakatawan sa sambayanan.
Ang Constitutional Reform Movement ay pinamumunuan ngayon ni dating Masbate Governor Vicente Homer Revil.
Nagharap na ang CORE Movement ng resolusyon sa Kamara at Senado na humihiling na mag-convene bilang constituent assembly at aprubahan ang broad package ng social, political at economic reforms sa 1987 Constitution.
Tiniyak naman ni Interior Secretary Eduardo Año na mas pagiigtingin ng Inter-Agency Task Force ang information at education campaign upang ipaunawa sa mga Filipino ang pangangailangang baguhin ang saligang batas.
Naniniwala ang bagong movement na ang pinaka- ugat ng problema ng korapsyon at matinding kahirapan sa bansa ay ang inilagay na legal at economic provisions sa 1987 Constitution na nagpepreserba sa kontrol ng mga corrupt politicians at mga oligarch sa ekonomiya at justice system.