Bagong MPS ng Sultan Kudarat, pinasinayaan!

Matapos ang mahigit isang taung konstruksyon, pormal nang isinalin ng Police Regional Office-ARMM (PRO-ARMM) sa Sultan Kudarat PNP ang pangangalaga sa bago nilang Municipal Police Station (MPS).
Ang P5M na MPS ay Standard Type B/C building, galing sa Philippine National Police ang pondo rito samantalang lupang kinatitirikan naman ng gusali ang counterpart ng lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat.
Ang pagpapasinaya sa bagong MPS ay pinangunahan mismo ni PRO-ARMM Dir. PCSupt. Graciano Mijares at ni Mayor Shameem Mastura.
Nagpapasalamat naman si Mayor Mastura sa PNP dahil sa suporta nito sa kanilang bayan sa usapin ng seguridad.
Ayon kay PCSupt Mijares ang mainam na workplace ay magsisilbing inspirasyon sa kapulisan ng Sultan Kudarat, mag-aangat ito sa kanilang morale at umaasang mas huhusayan pa ng mga ito ang kanilang pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Facebook Comments