Manila, Philippines – Aabot sa 600 tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang itatalaga sa Bureau of Customs (BOC)
Ito ay matapos lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sina AFP Chief of Staff, Gen. Carlito Galvez jr., PCG Commandant Admiral Elso Hermogino at BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Magsisilbi ang mga ito bilang workforce sa loob ng anim na buwan para matigil ang smuggling activities.
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng collective action para sa capacity-building, monitoring, support mechanish, exchange of information, operating protocols and parameters, at ang pag-channel ng resources para sa research and develop effective strategies.
Ayon kay Guerrero – ang AFP ay makakatulong lalo na sa pagbibigay ng intelligence, technical at legal assistance sa BOC.
Inaatasan din ang BOC anti-illegal drugs task force at AFP task force noah na pigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.