BAGONG MULTI-PURPOSE BUILDING SA WIGAN, CORDON, IKINATUWA NG MGA RESIDENTE

CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ng mahigit dalawang libong residente ng Barangay Wigan, Cordon, Isabela ang bagong multi-purpose building sa kanilang barangay.

Ang ipinatayong proyekto ng DPWH-Isabela 4th District Engineering Office ay may sukat na 647.5 square meters kung saan mayroon itong stage, bleachers, rubberized floors, sunbreakers, at electrical wirings.

Sa ulat ni District Engineer Evelyn Costales, ang naturang multi-purpose building ay maaaring gamitin para sa mga seminars o aktibidad na makakatulong sa buong komunidad katulad ng dental and medical mission maging outreach programs.


Bukod dito, magiging daan din ito upang pagtibayin pa ang pagtutulungan ng mga residente at opisyales ng barangay tungo sa pagsasaayos ng kanilang komunidad.

Pinondohan ang proyekto ng halagang P1.9 million pesos sa ilalim ng 2024 general Appropriations Act (GAA).

Facebook Comments