BAGONG MULTI-PURPOSE HALL, PINASINAYAAN SA BARANGAY SAN VICENTE, ALAMINOS CITY

Pinasinayaan ngayong umaga ang bagong Multi-Purpose Hall sa Barangay San Vicente, Alaminos City, na mainit na sinalubong ng mga opisyal at residente.

Ang pasilidad ay itinakdang magsilbing pangunahing venue para sa iba’t ibang programa at aktibidad ng komunidad.

Dumalo sa pagbabasbas sa pasilidad ang mga lider-barangay, residente, at sektor ng komunidad na nagpahayag ng suporta sa proyekto.

Malaking ambag umano ang Multi-Purpose Hall sa pagpapatibay ng serbisyo at pagpapaunlad ng mga proyektong pangkomunidad.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga residente sa pagkakatayo ng pasilidad na itinuturing nilang mahalagang imprastraktura para sa patuloy na pag-unlad ng naturang barangay.

Facebook Comments