BAGONG MUNICIPAL AGRICULTURE WAREHOUSE SA BAYAN NG BASISTA, NAIPATAYO NA

Tapos nang maipatayo ang bagong konstruksyon na Municipal Agriculture Warehouse sa bayan ng Basista na siyang makatutulong sa mga magsasaka sa naturang bayan.
Ang pagpapatayo ng naturang warehouse ay siyang magiging malaking tulong sa magsasaka kung saan maaari nila itong magamit sa pangangalaga ng mga ayuda na siyang ibinabahagi ng Department of Agriculture o DA.
Ang konstruksyon ng warehouse ay sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Basista at Department of Agriculture ay maaaring gamitin sa lalong madaling panahon. |ifmnews

Facebook Comments