Bagong National Aviation Academy itinatag bilang pangunahing institusyon sa aviation at aerospace

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapalit ng pangalan ng Philippine State College of Aeronautics o PhilSCA bilang National Aviation Academy of the Philippines o NAAP.

Sa ilalim ng Republic Act 12255, gagawin itong pambansang institusyon para sa mga kurso at pagsasanay sa aviation at aerospace.

Paiigtingin din ang kasalukuyang mga programa tulad ng commercial pilot training, aeronautical engineering, drone technology, at aircraft maintenance.

May apat na regular campus ang NAAP sa Pasay, Pampanga, Batangas, at Cebu, bukod pa sa mga extension campus at mananatiling libre ang matrikula dito sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Layunin ng batas na makapagbigay ng oportunidad sa mas maraming estudyante sa iba’t ibang rehiyon, lalo na sa mga mahihirap at disadvantaged na kabataan.

Facebook Comments