Isang responsableng police officer si bagong talagang National Capital Region Police Office Chief Brig. Gen. Debold Sinas.
Ito ang naging pahayag ni PNP Officer in Charge Lt. General Archie Gamboa matapos ang mga pahayag na tila anti-media ang bagong NCRPO Chief.
Pinaalis daw kasi ni Sinas sa Station ng QCPD sa Kamuning ang tanggapan ng NCRPO Press Club.
Ayon kay Gamboa, nakarating sa kanya ang impormasyong ito at agad nyang tinawagan si Sinas para alamin ang nangyari.
Paliwanag daw ni Sinas, hindi nya binuwag ang NCRPO Press club sa halip pinapalipat lamang ng lugar dahil ang kanilang kasalukyang tanggapan ay gagamitin para sa UNDAS at SEA games.
Giit ni Gamboa, nirerespeto niya ang pamamaraan ni Sinas sa pagtatrabaho nito.
May tatlong buwan naman daw si Sinas na ipakita ang kanyang galing sa pagtatrabaho dahil kasama si Sinas sa tatlong buwang under probation.