Bagong NLEX Interchange patungong Philippine Arena, binuksan na  

Binuksan na ang bagong Interchange sa North Luzon Expressway (NLEX) papuntang Philippine Arena.

Binubuo ito ng access roads at 800 metrong tulay na tumatawid sa NLEX.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, malaki ang maitutulong ng bagong Interchange para maibsan ang traffic sa bahagi ng Bocaue, Bulacan.


Mapapabilis na nito ang biyahe papunta sa pinakamalaking Indoor Arena sa Pilipinas, na isa sa mga venue ng Sea Games.

Kapag manggagaling sa Metro Manila, bukas na ang Toll Plaza papasok sa Philippine Arena.

Kung mula naman sa Northbound Lane, ay sa November 30 pwedeng dumaan sa Interchange dahil may inaayos pa rito.

Para naman sa mga magmumula sa Philippine Arena papuntang Metro Manila ay magbubukas ang Interchange sa Nov. 29.

Facebook Comments