Isa na namang bagong diskubreng novel virus na Langya Henipavirus o Layv ang kumakalat ngayon sa China.
Ayon sa mga eksperto, ang nasabing virus ay nagmula sa mga hayop at nailipat sa mga tao.
Ito ay matapos suriin ang wild animals kung saan nakita ang Layv viral RNA sa mga shrew, isang hayop na kahalintulad ng daga.
Sa kasalukuyan, umakyat na sa 35 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng nasabing sakit bago natukoy na ang virus ay mula sa kaparehong pamilya ng nakamamatay na Nipah at Hendra virus.
Matatandaang sa China rin nagsimula ang global pandemic na Coronavirus disease.
Facebook Comments