Bagong nuclear pact, pinag-usapan nina Trump at Putin

Tinalakay nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin ang posilibilidad na magkaroon ng bagong kasunduan na naglilimita sa paggamit ng nuclear weapons.

Ayon kay Trump – pinag-usapan din nila ni Putin ang paghimok sa North Korea na isuko ang nuclear weapons, kaguluhan sa Venezuela at Ukraine.

Dagdag pa ni Trump – posibleng ring sumama sa China sa major deal.


Sa ilalim ng new start treaty, kinakailangan ng US at Russia na tapyasin ang deployed strategic nuclear warhead nila na hindi hihigit sa 1,550 at paglilimita sa delivery systems – land at submarine based missiles at nuclear-capable bombers.

Facebook Comments