BAGONG OBISPO | Pope Francis, nagtalaga ng mga dalawang bagong obispo sa Mindanao

Vatican – Nagtalaga ang Vatican ng dalawang bagong obispo sa Mindanao.

Itinalaga bilang bagong obispo ng Diocese of Marbel sa South Cotabato si Rev. Cerilo Casicas.

Ang appointment ni Casicas ay matapos ang resignation ng dating Obispo ng Marbel na si Bishop Dinualdo Gutierrez na 79 taong gulang na ngayon.


Si Casicas na tubong Duero, Bohol, ay 51 anyos pa lamang at siya ang ikaapat na obispo ng Marbel.

Samantala, naitalaga naman bilang bagong obispo ng Diocese of Mati ng Davao Oriental si Bishop Abel Apigo na tubong Davao City.

Tinapos niya ang kanyang graduate studies sa licentiate in church history sa Pontificia Universita Gregoriana sa Roma mula 1997 hanggang 2000.

Tatlong taong naging Sede Vacante ang Dioceseof Mati matapos ang retirement ni Bishop Emeritus Patricio Alo.

Facebook Comments