Bagong OC, itinalaga sa Department of Interior and Local Government

77

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interiorand Local Government Undersecretary Catalino Cuy bilang officer in charge ng DILGkung saan papalitan niya ang nasibak na si Secretary Mike Sueno.
 
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – mananatali sapuwesto si Cuy hangga’t wala pang napipili ang pangulo bilang bagong kalihim ngDILG.
 
Si Cuy ay dating Davao City Police Office Chief at naging SpecialAction Force Chief bago maganap ang Mamasapano encounter.
 
Kasabay nito, tiniyak ni Cuy na hindi niya bibiguin ang tiwalang publiko sa kanyang bagong tungkulin.
 
Nangako rin siya na pamamahalaan niya nang patas at may buongdedikasyon ang DILG at lahat ng sangay na sakop nito.

Facebook Comments