Nanumpa na ngayong araw September 1, 2022 ang mga bagong officers ng PAMM o PESO Association of Metro Manila.
Pinangunahan ito ni Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) Regional Director Atty. Sarah Buena Mirasol at Rey Sanglay, Officer-in-Charge (OIC) Technical Support Services Division, Employment Promotion & Workers’ Welfare Division ang panunumpa.
Kabilang sa mga bagong officers na nanumpa ay sina:
President: Ms. Josephine Osea (PESO Valenzuela)
Vice President: Ms. Filipinas Rosario Sampang (PESO Pasay)
Secretary: Ms. Jelene Sison (PESO Pasig)
Treasurer: Ms. Violeta Gonzales (PESO Caloocan)
Auditor: Mr. Norman Mirabel (PESO Taguig)
Public Relations Officer: Mr. Redante Garcia (PESO Las Piñas)
Ang PESO ay isang non-fee charging multi-employment service facility, batay sa Republic Act No. 8759 o mas kilala sa PESO Act of 1999.
Malaki ang ambag ng PESO para matugunan ang mga hamon sa sektor ng paggawa sa bansa, kung saan nagbibigay sila ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay, gayundin ang pagbibigay ng seminar at livelihood project sa kanilang nasasakupan.
Ang amin namang pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng PAMM, Congratulations!!!
Ang DZXL 558 Radyo Trabaho ay official radio partner at katuwang ng PESO sa Metro at Mega Manila na inyong gabay sa hanapbuhay.