Bagong OIC ng Davao City Police Office, pinangalanan matapos sibakin ang bago nilang hepe na ilang oras pa lang nakaupo sa pwesto

Itinalaga bilang bagong Officer-in-Charge ng Davao City Police Office si PCol. Sherwin Butil.

Ito ay makaraang sibakin ilang oras lamang matapos maitalaga sa pwesto bilang pinuno ng Davao City Police Office si Police Col. Lito Patay.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 11 Spokesperson Police Major Catherine dela Rey epektibo ang nasabing kautusan simula ngayong araw, July 10, 2024.


Samantala, pamumunuan naman ni Patay ang Regional Operations Division ng Police Regional Office 11.

Habang si PCol. Alberto Lupaz naman ang hahalili sa binakanteng posisyon ni PCol. Butil na pinuno ng Regional Information and Communications Technology Management Division.

Matatandaang kamakalawa ay sinibak ni PRO 11 Director Police Brig. General Nicolas Torre III ang Director ng Davao City Police Office kasama ang 19 na station commanders matapos ang umano’y discrepancy reporting hinggil sa mga naganap na patayan at rape sa nasabing lungsod.

Facebook Comments