Nag-report na sa kanyang bagong tanggapan ang bagong OIC-Manager ng San Juan City PESO na si ginoong Alex Navidad.
Personal na nagkakilala si Manager Navidad at radyo trabaho nang dumalaw sa kanilang tanggapan.
Ayon kay Navidad, una niyang tutukan ay ang mga masasagasaan ng isasagawang massive clearing operation sa mga bangketa at lansangan.
Si Navidad ay dating barangay kagawad ng Barangay Pedro Cruz kung saan, nasaksihan niya aniya ang naghambalang na mga illegal vendors sa kahabaan ng F. Blumentrit at N. Domingo streets sa lungsod.
Samantala, matapos na mabigyan ng briefing ni San Juan City PESO Staff Angie Zeta si Manager Navidad hinggil sa kalalagayan at mandato ng Public Employment Services Office o PESO, agad na nagpaunlak ng dalaw sa radyo trabaho team si Navidad. I-text lamang daw siya sa numerong ipinaalam niya sa team.