Manila, Philippines – Pormal ng uupo ngayong araw bilang bagong Ombudsman si dating Associate Justice Samuel Martires.
Ito ay matapos magkasundo ang mga mahistrado ng Korte Suprema na aprubahan ang maagang pagreretiro ni Martires sa Supreme Court para bigyan daan ang maayos at mabilis na paglipat nito sa Office of the Ombudsman.
Si Martires ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging kapalit ng nagretirong si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Facebook Comments