
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng Office of the Presidential Adviser on Pasig River Rehabilitation.
Batay sa Executive Order No. 92, ang nasabing tanggapan ang tututok sa pagsasaayos ng ilog Pasig.
Tungkulin din ng ahensya na magbigay-payo sa Presidente patungkol sa policy directions, bantayan ang mga ginagawa ng gobyerno at makipagtulungan sa local government units (LGUs), at iba pang ahensya gayundin sa private sector partners sa implementasyon ng rehabilitation programs.
Pamumunuan ito ng Presidential Adviser for Pasig River Rehabilitation (PAPRR), na may ranggong Cabinet Secretary.
Una nang itinalaga ng Pangulo sa posisyon si dating Human Settlements and Urban Development secretary Jose Acuzar.
Ayon sa Pangulo, kailangan ang agaran at epektibong hakbang para sa rehabilitasyon, development at pagpapanumbalik ng Pasig River.









