Bagong oras ng city-wide curfew sa San Juan, ipinatupad na

Inaprubahan na ni San Juan Mayor Francis Zamora ang City Ordinance No. 38 series of 2020 na magpapatupad ng bagong oras na sa kanilang City-wide curfew habang umiiral ang General Community Quarantine o GCQ sa Metro Manila.

Ayon kay Zamora, magsisimula na ng alas-10:00 ng gabi ang curfew hour ng lungsod hanggang alas-5:00 ng umaga.

Exempted naman aniya sa curfew hour ang health workers and frontlines, kasama rito ang mga pulis, military personnel at iba pang law enforcers.


Kabilang din ang mga Authorized Person Outside the Residence (APOR), tulad ng mga manggagawa sa gobyerno, private employee, mga driver ng pampublikong sasakyan at mga nagdedeliver ng pagkain at iba pang basic necessities.

Mananagot aniya sa batas ang sino mang lalabas sa oras ng curfew.

Una nang nagpatupad ng city-wide curfew ang lungsod mula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments