Bagong ospital sa Baseco, dinagdagan ng ₱15M pondo ni PBBM

Nag-inspeksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Corazon C. Aquino General Hospital sa Baseco, Maynila at nagbigay ng ₱15 milyong pondo mula sa Office of the President bilang dagdag-suporta sa serbisyong medikal.

Ang bagong 3-storey hospital ay kayang tumanggap ng nasa 7,000 pasyente na may emergency room, digital X-ray, centralized oxygen supply, at kumpletong maternity, pediatrics, surgery at internal medicine departments.

Sa inagurasyon ng ospital, sinabi ng pangulo na kung serbisyong pangkalusugan ang usapan, hindi magdadalawang-isip ang pamahalaan na magbigay ng suporta at pagpondo sa kalusugan ng mamamayan.

Giit ng pangulo, patuloy na pupursigehin ng administrasyon ang pagpapalakas ng health care system ng bansa sa ilalim ng kaniyang termino.

Ang pagpapatupad aniya ng modernisasyon ng pasilidad ay patunay na malakas ang ugnayan ng national at local government kapag serbisyong para sa tao ang nakataya.

Facebook Comments