Manila, Philippines – Maaari ng makapaghain ng kanilang petisyon para sa accreditation ang mga political parties para sa pagpili ng dominant majority party at dominant minority party, kaugnay ng nalalapit na midterm elections sa Mayo.
Kasama na dito ang 10 major national parties at 2 major local parties.
Sa pamamagitan ng Comelec Resolution Number 10514, ang mga naberipika nang petisyon ay isusumite sa Comelec sa pamamagitan ng Clerk of the Commission.
Sa bagong itinakdang panuntunan ng Comelec, binibigyan ng insentibo ang mga political party na nagpo-promote ng integration of women in their leadership hierarchy, internal policy-making structures, appointive at electoral nominating processes.
Sa bagong criteria, ang isang political parties na maglalaan ng 30% women candidates ay bibigyan ng average points na 10 points.