Posibleng ilabas na sa susunod na isa o dalawang linggo ang inamyendahang panuntunan para sa Transport Modernization Program ng pamahalaan.
Ayon kay Office of Transportation Cooperatives Chairperson Jesus Ferdinand Ortega, sa bagong kondisyon, ginawa ng ₱280,000 ang magiging tulong ng gobyerno para sa pagbili ng kooperatiba ng mga modern vehicle, mula sa dating ₱160,000.
Dagdag pa ni Ortega, nasa ₱300,000 na ang paid up capital na pwedeng i-produce ng kooperatiba o ng miyembrong kasali sa programa sa loob ng isang taon.
Nagtakda rin aniya sila ng alternatibong sertipikasyon para mapadali ang pagsali sa programa.
Kaugnay nito, ipinaalala ni Ortega sa mga driver at operator na hanggang December 31 na lamang pwedeng bumuo ng kooperatiba at hindi na ito palalawigin pa.