Inaprubahan na Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang bagong guidelines sa para sa departure ng mga Pilipinong bumibiyahe sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), ipinasa ang 2023 Revised IACAT Guidelines on Departure Formalities for Internationally-Bound Filipino Passenger para tugunan labanan ang human trafficking.
Sa ilalim ng bagong panuntunan, lahat ng Filipino outbound traveler ay dadaan sa mga proseso ng Immigration inspection at dapat na magpakita ng basic travel documents tulad ng valid passport, boarding pass, visa, confirmation return o roundtrip ticket.
Kailangan din dumaan sa interview ng Immigration ang mga pasahero tungkol sa kanilang rason ng pagbiyahe at humingi ng mga kaugnay na katanungan sa paglilinaw at karagdagang mga pangsuportang dokumento.