Naglabas ng bagong panuntunan ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa paglalabas ng seafarers’ claims.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na pinirmahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang kautusan para sa rules on the enforcement and execution of decisions ng National Labor Relations Commission (NLRC) and voluntary arbitrators sa ilalim ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB).
Sa ilalim ng bagong kautusan, kailangang magkaroon ng bond ang seafarer bago maigawad ang monetary award sa kaniya lalo na kung may gumugulong pa na apela sa NLRC o voluntary arbitrator.
Ito ay para matiyak na maibabalik ang pera sakaling mabaliktad ang desisyon ng korte at hindi pumabor sa seafarer.
Sakali namang maging pinal ang desisyon ng NLRC o voluntary arbitrator sa tinatawag na undisputed amounts, sinabi ng DOLE na dapat maging immediately executory ang pagbibigay kahit gumugulong pa ang apela.
Tiniyak naman ng kagawaran na may probisyon para masiguro ang kapakanan ng mga tripulante partikular ang reimbursement ng bonds sakaling pumabor sa mga ito ang desisyon ng korte.