Bagong panuntunan sa pagsusuot ng face shield, ilalabas na sa susunod na linggo

Posibleng ilabas na sa susunod na linggo ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong panuntunan hinggil sa pagsusuot ng face shield.

Ayon Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing III, hinihintay na lamang ng IATF ang pormal ang rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) hinggil dito.

Posible namang manatili ang obligadong pagsusuot ng face shield sa mga piling lugar na lamang.


Kasabay nito, binigyang-diin ni Densing na hindi maaaring magkanya-kanyang direktiba ang mga lokal na pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng face shield.

Facebook Comments